Akalain mong pangalawang summer season ko na pala to habang isang empleyado, at sa dalawang taon na yun ay iisang beses pa lang talaga ako nakakapagbakasyon? Hmmm bakit kaya… well, dahil long weekend ngayon nagkaron ako ng oras para mapagtanto ang mga bagay-bagay at ito ang aking naisip:
1. Pera –malamang naman meron ka kung kaya’t nagbabalak kang magbakasyon, kaso minsan hindi kaya ng budget mo yung mga nais mong puntahan.
2. Kasama – malamang may barkada ka, kaso naman madalas dahil puro bagito pa kayo sa trabaho at feeling nyo lahat kayo ay may kailangan patunayan sa inyong pinapapasukang trabaho ay hindi nyo magawang makapagplano ng matino para lang sa bakasyon. Syempre nga naman hindi naman masayang magbakasyon kung mag-isa ka lang di ba? Kung ganun na rin lang aba e di matutulog na lang ako sa bahay ko no? hehehe. Kaya nga minsan kahit na masama na ang loob ko na parang lahat ng inaaya ko ay hindi pwede oks lang alam ko naman na ang dahilan ay ang:
3. Trabaho – ano pa nga ba. Ang pinakadahilan yata para sa lahat ng nagpapakapawis at nagpapakapagod para lamang kumita. Bagaman sa simula pa lamang ng taon ay may ginagawa na kaming kung tawagin ay “leave plan” kadalasan ay hindi ito nasusunod para sa mga tulad kong bagito pa sa trabaho. Mayroon kasing mga susulpot dyan na hindi mo inaasahan. Mga system down-times, mga kakaibang trabaho at kung ano ano pa. Kahit may panggastos ka dahil sa kakaovertime mo, minsan iisipin mo na itutulog mo na lang yung mga long weekend na katulad ng ganito kaysa sa magbakasyon lalo na’t alam mong may nakaantay na naman sa yong trabaho pagbalik na pagbalik mo. Kaya bat ka pa nga naman magbabakasyon?
Well, siguro yun lang talaga ang hirap sa mga kabatch at mga kaibigan ko, sobrang tindi ng will-to-succeed e nakakalimutan na naming aliwin ang mga sarili namin ang laking pressure kasi para sa isa’t-isa sa amin

No comments:
Post a Comment